Reposting Former Supreme Court Chief Justice Sereno’s Reply to ‘Bakit Hindi Pa Kinukulong Si Marcos’?

KATAWA-TAWANG PAGPIPILIT NA KUNG WALANG NAKULONG NI ISANG MARCOS, IBIG SABIHIN WALA SILANG NINAKAW
 
Nakupo, napaka-trying hard ang ganiyang argumento. Ang number of prisoners na may final judgment of conviction sa buong Pilipinas ay less than 39,000 lang— sa NBPP, sa Iwahig, sa Davao Penal Colony, at sa Women’s Correctional Institute. The rest of the prison population ay pending pa ang mga kaso at walang pang-piyansa o hindi pinayagang makapag-piyansa.
 
Kung ang nakakulong lang with final conviction ang basehan ng pagkilala ng kriminalidad, 39,000 lang ba ang kriminal sa Pilipinas? Kahalangan po to think na lahat ng mga kriminal ay naipakulong natin gayong we have one of the highest incidents of violence and corruption in the world.
 
At kung magfocus tayo sa corruption, iilan lang ba ang public officials na napakulong ng korte? At least 20% ng national budget (PhP 1 trillion) ang napupunta sa corruption. Wala pa sa bilang na ito ang ibang puedeng pagnakawan na pondo, kontrata, franchises, fees, taxes, etc.
 
Hindi lang kakaunti ang nacha-charge with and convicted for corruption sa Pilipinas, napakatagal ng procedures sa Pilipinas, at mapapansing ang maliliit na officials lang ang nako-convict. Ang number of pending criminal cases natin is in the hundreds of thousands, karamihan ay laban sa mahihirap, at matagal bago matapos. IBIG SABIHIN PO NIYAN AY HIGHLY-EXPLOITED ANG JUSTICE SYSTEM NATIN NG CORRUPT AT POWERFUL.
 
Bukod dito, unanimous ang lahat ng studies na napakahirap magpakulong for specific crimes of corruption ang dictators na inilabas ang nakaw na yaman sa bansa, lalo na kung naka-exile pa gaya ni Marcos Sr. Bakit po?

Continue reading Reposting Former Supreme Court Chief Justice Sereno’s Reply to ‘Bakit Hindi Pa Kinukulong Si Marcos’?